Pasada ni Haring David

Oo nga naman, bakit ba hindi ko nalaman na maaring tagalog ang base language ng blog account na to.

Hindi man hitik sa tagalog ang bokabularyo ko, mayaman pa rin ang mga salitang maaring maihayag sa sariling wika natin. Naks! Malalim! Pero lahat naman nakikisabay sa uso kahit kung pano tayo mag text. Kaya nga meron ng mga taong tinatawag na jejemon.

Pero sa konteksto na pagiging Pinoy, bilib ako sa isang banyagang kano na naging interesado sa kultura and pulitika ng ating bansa. Hindi ko pa nauusisa kung ano talaga ang naging pakay o trabaho nya dito pero ang sabi nya ay minsan na syang nagtagal tumira dito sa Pinas at nagustuhan daw nya ang Pilipinas. Inisip ko nga baka pinoy lang din to na nagpapanggap na amerikano. Pero hindi, kano nga sya. Sana gaya din ng isang banyaga sa atin eh mas mapukaw sa ating mga isipan at damdamin ang pagiging makabayan o patriotism. Itong si Banyaga eh gumawa pa ng sariling blog na naghahayag ng mga current political events and happenings dito sa pilipinas. Click here.

Bilib din ako sa trip nitong tao na to na hindi man siya Pinoy eh nagpapakita pa rin siya in interes sa mga nangyayari dito sa bansa natin. Ang alam ko nasa america na yata siya ngayon pero active pa rin ang blog nya sa mga current events natin at sa tingin ko mas madami pa syang alam about our political turn of events kesa sakin.

0 thoughts on “Pasada ni Haring David

Leave a Reply